I-configure ang URL ng home page

Kino-configure ang default na URL ng home page sa Google Chrome at pinipigilan ang mga user na mabago ito.

Ang home page ay ang page na binubuksan ng Home button. Ang mga page na magbubukas sa startup ay kinokontrol ng mga patakaran ng RestoreOnStartup.

Ang uri ng home page ay maaaring itakda sa isang URL na tutukuyin mo rito o maaaring itakda sa Page ng Bagong Tab. Kung pipiliin mo ang Page ng Bagong Tab, hindi magkakaroon ng bisa ang patakarang ito.

Kung ie-enable mo ang setting na ito, hindi mababago ng mga user ang URL ng kanilang home page sa Google Chrome, ngunit maaari pa rin nilang piliin ang Page ng Bagong Tab bilang kanilang home page.

Kung iiwang hindi nakatakda ang patakarang iro, magagawa ng mismong user na piliin ang kanyang home page kung hindi rin nakatakda ang HomepageIsNewTabPage.

Hindi available ang patakarang ito sa mga instance ng Windows na hindi nakakonekta
sa isang domain ng Aktibong Directory.


Supported on: Microsoft Windows XP SP2 o mas bago
URL ng home page

Registry HiveHKEY_LOCAL_MACHINE or HKEY_CURRENT_USER
Registry PathSoftware\Policies\Google\Chrome
Value NameHomepageLocation
Value TypeREG_SZ
Default Value

chrome.admx

Administrative Templates (Computers)

Administrative Templates (Users)